Home
la yamsuan
01 June 2008 @ 11:37 am



Pwede mong bitbitin ang crush mo sa CCP at turuan siyang tangkilikin ang pelikulang Pilipino.
 
 
Current Mood: excited
 
 
la yamsuan
10 May 2008 @ 10:56 am
Para sa mga naging bahagi ng way way before, before, during, after, at ever after moments ng Tutos, I could never thank you enough guys. Kaya ito na lang ang regalo ko sa inyo:


http://www.gmanews.tv/story/94150/Ten-short-films-compete-in-Cinemalaya-2008



Wala ito kung wala kayo. Maraming salamat. Alam n'yo na kung sino-sino kayo. :)
 
 
Current Mood: ecstatic
 
 
la yamsuan
07 March 2008 @ 06:56 am

TUTOS screens back-to-back with KARSEL at UST CineVita today

Seymour Barros Sanchez


 

Under the theme 'Strengthening Family Ties,' the second CineVita film festival will screen Louise Anne Yamsuan's undergraduate thesis "Tutos" after another thesis film, Rianne Hill Soriano's "Karsel," at the Thomas Aquinas Research Center (TARC) Auditorium at the University of Santo Tomas (UST) today, 10 A.M.

 

"Tutos" (Seam), which was selected Best Thesis Narrative at the University of the Philippines (UP) Film Institute, is a film about the dynamics and complexities of a single father-daughter relationship in a postmodern patriarchal Filipino society.

 

Rey Ocampo (Danny Magisa), a tailor in a small town, is a stubborn, over-controlling single father to Elisa (Myka Pingol), a 20-year old student aspiring to be a writer. Not having any other female around the house, Elisa grew too stiff and tough for a lady and embodied the Filipino slang term of being "astig" which means tough – a fact her father considerably objects to.

 

The father and daughter story is narrated by Boyet (Amante Pulido), a loyal comrade and co-worker of Rey in the tailor shop. Conflict escalates when Rey, suffering from a heart attack, asks Elisa, already at the peak of realizing her dream as a writer, to stop studying for a while. Instead of retaliating against her father, Elisa used this turning point in their lives to write a story – this story, that is yet to inspire its future readers.

 

Yamsuan earned her degree in Film and Audiovisual Communication from UP. A writer, director, and independent cinema advocate, she has worked on several films both as a student and as a media practitioner. She is currently a lecturer at the School of Design and Arts of De La Salle College of St. Benilde and a production coordinator for The Filipino Channel (TFC).

 

CineVita is a nonprofit and educational endeavor of UST's 80-year old student publication The Varsitarian together with the UST Institute of Religion, UST Journalism Society, UST Literary Society, and UST Concilium Philosophiae.

 

All documentaries and local films are open to the public.  Full-length foreign films are exclusive to lecturers, film critics and students. Admission is free.

 

For festival program and schedule of screenings, log on to www.varsitarian.com. Call 4061611 local 8235 or contact JC Cordon at 0905-4253778 or Levine Lao at 0906-3303262.

 
 
la yamsuan
01 March 2008 @ 09:20 pm



ako dito. di hamak na mas maraming hot bodies na kahit hindi half naked, naglalagablab sa init.
Tags: ,
 
 
la yamsuan
01 March 2008 @ 10:22 am
=== Salamat kina Meyor at Sig Barros Sanchez, at Danny Magisa ===


CINEVITA FILM FESTIVAL

March 5 - 7
TARC Auditorium
University of Sto. Tomas

March 5, Wednesday
8 A.M. OPENING CEREMONIES
*Registration
9 - 9:30 A.M. A CHILD FROM CHINA (documentary, Aurora Santiago)
*Registration
9:40 - 11:10 A.M. FOSTER CHILD (full-length feature, Brillante Mendoza)
*Lunch break and registration
1 - 3:40 P.M. FIVE PEOPLE YOU MEET IN HEAVEN (foreign film, Lloyd Kramer)
*Registration
4 - 4:20 P.M. SA KAMBAS NG LIPUNAN (documentary, Joey Velasco)
*Registration
4:30 - 6 P.M. ENDO (full-length feature, Jade Castro)

March 6, Thursday
8 - 8:15 A.M. ESTROPA (documentary, Sheryl Rose Andes and Michael Juancho Galang)
*Registration
8:20 - 9:50 A.M. TRIBU (full-length feature, Jim Libiran)
*Registration
10 A.M. - 12:10 P.M. SHADOWLANDS (foreign film, Richard Attenborough)
*Lunch break and registration
1 - 1:15 P.M. AMBULANCIA (short film, Richard Legaspi)
*Registration
1:20 - 2:50 P.M. TRABAHO (full-length feature, Ned Trespeces)
*Registration
3 - 4:15 P.M. ANINO (full-length feature, John Isiah Reyes, UST College of Nursing)
*Registration
4:20 - 4:40 P.M. TUNAY NA BUHAY (documentary, Jasper Chavez Zarzuela)
*Registration
4:50 - 5:20 P.M. LABABO (short film, Seymour Barros Sanchez)
*Registration
5:30 - 7:10 P.M. CHINA CRY (foreign film, James F. Collier)

March 7, Friday
8 - 10 A.M. PAY IT FORWARD (foreign film, Mimi Leder)
*Registration
10:10 - 10:30 A.M. KARSEL (short film, Rianne Hill Soriano)
*Registration
10:40 - 11:10 A.M. TUTOS (short film, Louise Anne Yamsuan)
*Registration
11:15 - 11:45 A.M. UNCONVENTIONAL WARFARE (documentary, Anna Isabelle Matutina and Herbert Villalon Docena)
*Lunch break and registration
1 - 2:50 P.M. BARAKO (full-length feature, Manolito Sulit, UST)
*Registration
3:15 - 4:50 P.M. TIRADOR (full-length feature, Brillante Mendoza)
*Registration
5 - 5:30 P.M. SONDA (documentary, UST College of Nursing)
*Registration
5:40 - 7:20 P.M. STILL LIFE (full-length feature, Katski Flores)
CLOSING CEREMONIES


Organized by The Varsitarian, official student publication of the University of Santo Tomas, and Institute of Religion in with UST Journalism Society, UST Literary Society, and Concilium Philosophiae

* FREE ADMISSION, but only local films are open to the public
* Registration: first-come, first-served basis (4 classes per film showing)
* 20-30 seats will be reserved for guests and walk-in audiences
* Foreign films are exclusively for UST students, professors, and officials
* Audience for each film are requested to be in the venue 15 minutes before the showing starts (for registration)
* OPEN FORUM for films with attending directors (or cast/crew)

 
 
la yamsuan
24 February 2008 @ 11:33 pm
actually, wag na lang pala. mahabang proseso. dalawin mo na lang ako sa layamsuan.multiply.com

pramis yung mga susunod ilalagay ko na dito.
 
 
la yamsuan
24 February 2008 @ 11:26 pm
walang kaganapan dito ngayon. walang wala after...uhm, may kalahating taon na ata. o mag-iisang taon na. kaya lahat ng post ko sa multiply ililipat ko dito.

wala lang. para fun.


time starts now.
 
 
la yamsuan
08 August 2007 @ 12:54 pm
science o faith?

kaninang umaga pagkagising ko, malakas ang hangin. humahampas sya kung saan saan. naghilamos ako sa dirty kitchen. pagkatapos maghilamos, lumapit ako sa screen door, huminto sandali, at tumingin sa labas. nililipad ang mga dahon at sanga sa labas. nasabi ko sa nanay ko nung june na gusto ko nang bumagyo. yung dati rating bagyo na sinasalanta ang kabuhayan ng milyon-milyong pilipino. yung kapag lumabas ka ng bahay, mapuputulan ka ng katawan dahil sa lumilipad na yero. lumalayo na ang isip ko. tumutulo na ang tubig mula sa basa kong mukha. pagharap ko sa screen door...*wapak!* hinampas ng hangin ang screen door at tumama ito sa mukha ko.


faith in science.

sabi ng grade 3 science teacher ko, science is the observation, identification, description, experimental investigation, and theoretical explanation of a phenomenon based on methodolocigal activities. parang pisay ni aureus solito! anyway... sa science, lahat may basehan. may tangible evidence. kung pagkagising mo isang araw at may nararamdaman kang kakaiba sa katawan mo, madali na lang ipaliwanag gamit ang science. kapag naipaliwanag nang maayos, maniniwala ka na. wala ka nang angal dahil science na ang nagpatunay. wala ka nang pangontra sa science. pag science ang nagsabi, forever-and-ever-to-infinity-to-the-nth-power-no erase.


science of faith.

meron bang science of religion? ang alam ko, may conflict ang science at religion. kapag may mga bagay sa mundo na hindi na maarok ng kaalaman ng mga scientists, pananampalataya kay God na ang sasagot, o pinapalagay ng karamihan na ganun nga. ang isang scientist ba ay may pinanghahawakang faith? kapag wala nang lusot sa science, last resort na ang faith. ang mga salat sa kaalaman sa science, unang-una sa itenerary nila ang pakikipagusap kay God.


science o faith?

parang chicken and egg thing. parang yung hampas ng screen door sa mukha ko. kapag pinalagay kong science, makakaiwas ako kung kinompute ko kung gaano kabilis ang hangin na paparating, dagdag pa ang variable na distance ko mula sa screen door, ang mga bubong at puno na distraction sa path ng hangin, plus ang elemento na kakagising ko lang at mabagal pa ang reflexes ko.  kung ipapalagay kong faith, maiisip ko na masyado na akong makasalanan kaya ako hinampas ni God ng screen door sa mukha. plain and simple, diba? payak na kaisipan. pero parang tanga rin para sa isang may kaalaman both sa science at sa faith.


so ano nga kaya?

ewan ko. masakit ang mukha ko.
 
 
Current Location: sa puso mo.
Current Music: nocturne in G minor, chopin
 
 
la yamsuan
05 August 2007 @ 09:37 pm
dear God,

greetings!

sori na at chinallenge Kita nung isang araw. masisisi mo ba ko? o sige na, sori na ulit. peace be with You. heheh.. fine. inaadmit ko na, kasalanan ko. inaako ko na ang lahat. wag Mo na ko batuhin ng kidlat, okay? anyway, sana naman i-grant Mo yung wish ko na <o alam Mo na ibig sabihin nito. God Ka naman e.>. malapit na birthday ko. swak na swak na birthday gift yan. may okasyon naman e. sige na, minsan lang ako humiling nang walang okasyon. fine, hindi lang minsan. pero sige na please? naalala Mo yung sinabi ko sa'yo nung thursday bago ko pumunta sa school? alam Mo naman kung anong pinagdadaanan ko. pero tumuloy pa rin ako dahil feeling ko binulungan Mo 'ko nung moment na yon.

alam kong alam Mo kung gaano ko kagusto 'to. and i've never asked for something as big as this. wag Mo sana ko biguin.


respectfully yours,
LA
 
 
Current Location: lupa
Current Mood: hopeful
 
 
la yamsuan
12 June 2007 @ 01:25 pm
may chika ko sayo.
nadulas ako nung isang gabi sa banyo.
as in say hello to the kisame.
at kiss the tiles.

so diba nadulas nga ako...
tapos kanina, lungkut-lungkutan portion ako.
e kasi men..etong cr namin e never before as in EVER pang may nadulas dahil hindi naman sya madulas in the first place..

tapos...

so pagkadulas ko, masakit sya...
in fairness. parang "aray ko god, masaket yon ha."
tapos habang nakahilata ako sa cr at tinitingnan ang kisame...
at ninanamnam ang sakit...
naisip ko bigla na parang ang pagkadulas na yon e parang ginigising ako ni god sa isang reyalidad na dapat nili-live ko...
na until now e hindi ko maisip kung ano bang reality yon.

o baka naman assumption ko lang ang lahat...
at talaga namang madulas ang cr...
there's always a first time for everything.
first time dumulas ng cr...

hindi ba posible?

then again, baka tama rin ang assumption ko tungkol sa pagkadulas na yon.
dahil diba, bakitt ko naman biglang maiisip yon?

bakit?

bakit sa pagkadulas na yon, particularly?
at bakit magisa ako non?
maraming namamatay sa pagkadulas sa cr ha...
pero hindi ako nadeadz.
hindi naman din ako mashadong nasaktan dahil wetpaks ko naman ang niland-an ko...
hindi naman din ako nabagok..
at bakit, why of all the chances and instances i have in this world, bakit kagabi pa talaga?

tangina. ayoko na magisip.
parang nakakatawa isipin na iniisip ko to.
pero parang totoo rin, somehow.

hindi kaya malamang na ang pagkadulas na yan ay isang random accident lamang?

oo noh.
yun ang una kong naisip.
malaki ang posibilidad na isang katangahan lamang kaya ako nadulas...
pero later on, habang nakahilata ako sa banyo...
at nung medyo nung i'm on my feet again...
naisip ko na nga may gumigising sa kin.
ginigising nya ko sa para harapin ang realidad.
ang katotohanan.


kalokohan noh? parang tanga lang talaga.


e last week, may dulas moment rin ako na di natuloy dahil humarang ang aso ko sa babagsakan ko..
kaya di ako pumlakda..
baka nacheat ko ang tadhana non.
kagabi hindi na.


klokohan noh? parang tanga lang talaga.



may mga pagkakataong ang konsensya ay nag aalinlangang tuklasin ang katotohanan, pinanghihinayangan ang nakaraan, at pilit na kinakalkal ang mga sugat na naghihilom pa lamang.


kung may binabalak man ang...

MAN UP THERE
OMNISCIENT BEING
DIYOS
GOD
LORD


ang masasabi ko lang kay god, WALANG GULATAN.

sasabihin nya sayo "WAHAHAHA!!" with thunder and lghtning effects.

lemme worry about that when i get there.



*snippets of conversation with a friend.


sana by the time na humupa na ang pasa sa lower back at shin bone ko, madiskubre ko na rin kung anong ibig sabihin ng pangyayaring ito. pero i doubt it.
 
 
Current Location: zimbabwe
Current Mood: amused
Current Music: everybody's free to wear sunscreen
 
 
la yamsuan
29 May 2007 @ 01:45 pm

An up and coming TV show about lifestyle centering on real estate and community development is looking for young and vibrant individuals to be its host/s. Experience in hosting is an advantage. The following are a must:

 

-         Asian-looking

-         at least 5’3” for females, and 5’6” for males

-         21 – 30 years old

-         fluent in English and Filipino

-         willing to work on a tight schedule

-         willing to work out of town

 

Send your resume and recent full body pictures to imagineasia@gmail.com not later than 6 PM of June 5, 2007. Thanks.

 
 
la yamsuan


PASASALAMAT


dahil hindi naman lahat nakapanood ng Tutos at nakabasa ng written part ng thesis na ito, eto ang sa inyo. sa lahat ng nakiparte (naki-party) sa buhay ko sa loob ng apat na taon sa unibersidad...


UP CINEASTES' STUDIO
mga dakilang manlilikha ng pelikula. mahuhusay kayo sa kanya-kanyang paraan. mahal ko kayong lahat. salamat sa mga txtbrigs ngayong bakasyon. kahit paano, nabawasan ang pagiging bagot ko sa bahay.

Mark: kung hindi dahil sa'yo, hindi natin mahahabol ang nadelay ng limang sequences dahil sa na-jam na sliding door ng tahian. hindi ko makakalimutan ang pagsigaw mo at pag-nag sa 'kin na bilisan mag-isip kahit alam mong hindi ako makapagisip sa isang maingay na lugar. salamat sa pagiging dakilang AD ko.

Sol: salamat sa pagiging malupit mong DOP. napakalupit mo. napagmukha mong film ang ginamit natin! sinong walang tiwala sa kakayahan ng mga kababaihan? babanatan ko para sa 'yo.

Doty: nakailang palit ako ng PM. buti na lang dumating ka sa buhay ko. salamat sa panghahagard mo sa 'kin. salamat sa pagsalo mo sa 'kin nang iwan ako ni daddy jt.

Nestor: salamat sa pag-critic sa script ko. dahil don, naimprove ko pa sya. go Alfonso baby!

Mika, Ajin, Meggy, Krisi, Trixie, Jervin, Monique, KC, Apol, Aisha, Andre, Peter, Jhul, Aina, Kriz: alala nyo pa ba ang breakdown ko nung January 29? buti na lang nandon kayo. sa kabila ng inyong katahimikan habang kasama kong nakatitig sa kawalan, ramdam ko ang pakikiramay nyo. malupit talaga ang tadhana. salamat sa mga yakap nyo kahit alam nyong ayokong magpayakap dahil lalo lang akong naiiyak kapag may yumayakap sa 'kin. sa inyo na nakasaksi ng pinakapanget, pinakamasaklap, at tulo-sipon kong pag-iyak, i'm so sorry that you witnessed such a disturbing moment.


UP VOLLEYBALL CLUB
Salamat sa napakasayang apat na taon kong pagiging adik sa volleyball. kayo ang isang bisyo na kailanman ay hindi ko na maaalis sa sistema ko.

Ben at JC: salamat sa starbucks moments natin. salamat sa pagbasa sa script ko. salamat sa pagtitiwala. Salamat sa pag-asikaso ng venue ng Calinao Cup habang nasa shoot ako.

Jorge: salamat sa pagtitiwala mo sa akin ng talambuhay mo. salamat sa kumpyansa mo sa sinulat ko. kahit wala ka dun nung defense, tandang-tanda ko na dalawang beses mo ko tinext ng good luck.

Vingaye: naiyak ako dahil naiyak ka sa pelikula ko. salamat at kahit paano, nakarelate ka pala. salamat sa suporta. itaguyod mo ang ikasampung taon ng vc.

Roge: my best setter. kapwa ko manunulat rin. itaguyod mo ang talento mo sa pagsulat. salamat sa suporta. salamat sa magagandang set--quick, tres, open. salamat sa pagtrain sa 'kin sa tres.

Jervin: salamat sa pagtulong sa PD. dakila ka. sayang at wala ng panahon para magapply ka sa cineastes. salamat sa pag-alaga sa PD kit natin. salamat sa green mo na marker na mahigit isang taon na palang na sa 'kin. salamat sa pagpapaalala sa 'kin ng tungkol sa Calinao Cup habang nagshushoot tayo.

Paolo: kahit hindi mo na inabutan ang pelikula ko, salamat pa rin at pumunta ka. kamusta na si T-bone? sana makapagbonding sila ni Sanchai (aso ko) someday.

Evan: salamat sa "pagsama" sa Starbucks Petron Marilao moments ko. salamat sa pagtulong sa 'kin sa gawaing vc. salamat sa pagshare ng pi100 paper mo. salamat sa apat na taon.


UP PEP SQUAD
Puso, power. Salamat sa muscles at sakit ng katawan. Salamat sa training. Salamat sa masasayang basagan moments.

Mika: salamat sa lahat ng moments, bird. ikaw ang sumaklolo sa 'kin nung iniiyakan ko si daddy jt. ikaw ang unang non-cineaste na yumakap sa 'kin. nandon ka nung nawalan ako ng tiwala sa sarili kong gawa dahil sa pagiging inggitera ko. sa lahat ng pagkakataon, hindi ka nawala. salamat.

Ivy and Mon: salamat sa pagpunta nung defense. i didn't expect you guys to actually be there, but you were. salamat talaga.

Gerson, Ino, Pippo: salamat sa pagpunta nung defense. isang malaking karangalan ang masabihan ng "nainspire ako sa pelikula mo. pordat, gagalingan ko rin sa thesis."


CMC PEEPS and FRIENDS

Leo: kahit parang laging field trip mode kami ni Waz pag inaakyat ko ang mountain-lupa, salamat sa pagiging dakila mo. salamat sa pagpapatawa mo sa 'kin. salamat at pinagtiwalaan mo ko ng kwentong pag-ibig mo.

Snap: bat ganun? ang husay mo mag-violin at kumanta. parang nag-jamming lang kayo ni Nani tapos nakabuo na kayo ng music para sa pelikula ko. ang lupit mo. alamat ka.

Nani: bat ganun? ang husay mo magcompose? parang nag-jamming lang kayo ni Snap tapos nakabuo na kayo ng music para sa pelikula ko. ang lupit mo. alamat ka. you're a legend. you're my legend. salamat sa pagtawag mo sa 'kin na wolverine. salamat sa pagsama mo sa 'kin magtago from my nanay at magyosi nung defense day.

Mark Locsin: tsk tsk. nakabuo ba naman daw ng pag-ibig sa shoot ko? young love!! masaya ako para sa inyo ni Sol. Salamat sa lahat.

Sir Ramon: dakila ka. salamat sa Tagaytay road trip sa Dencio's tambay. salamat sa mga malulupit mong kwentong pag-ibig. let's celebrate life and emotional stability!

Sir Lyle: salamat sa pagpapakilala sa 'kin kay daddy jt. masaklap ang naging katapusan namin. gayunpaman, wala akong pinagsisisihan.

Ate Forch: nagpapasalamat ako sa araw-araw mong pagiging aligaga. Ikaw lang ang nakapansin sa 'kin na pabalik-balik na naglalakad sa likod ng film center nung pinapalabas ang pelikula ko. salamat sa yakap mo at sa sinabi mong: "tumawag ka sa taas." muntik na ko maiyak don bago pa man ako pumunta sa podium.

Kuya CV at Kuya Rick: salamat sa yosi moments, kwentuhan, at walang sawang pangungulit. higit sa lahat, salamat sa malupit na encouragement nung defense day.

Ma'am Gigi: mahal kita. you're my second mom. hanggang sa araw ng pagiging biglaang grade conscious ko, hindi mo ko iniwan. salamat sa lahat.



MGA ALAMAT
ang mga dakilang inspirasyon ko, mga pinaghuhugutan ng lakas at positive energy.

Joel Torre: sa iyo ko naramdaman ang ilan sa mga pinakamatitindeng kasiyahan at kalungkutan sa buhay na ito. sa'yo ko natagpuan ang tunay na pagibig na hindi ko inakalang maaring maramdaman ng isang direktor para sa isang artista. dakila ka. maraming salamat sa inspirasyon. magkikita pa tayo uli.

Michiko Yamamoto: hindi mo alam kung gaano mo naiinspire ang isang tulad ko na sumulat. isa kang Diyosa.

Waz: kung saan-saan na tayo nakarating. sa kabila ng pagtalon mo sa island, pagkabangga sa trak, pagkadaplis ng tubo sa gitna ng nlex, pagtakbo sa mmda, yosi moments, megakrayola times, at iba pa, hindi mo ko binigo. buti ka pa. aylabyu Waz. ilalabas na kita sa rehab sa thursday. itaguyod natin ang pagiging kilabot ng kalsada.

Sanchai: kahit gusto mong lagi kang sinusubuan pag kumakain, kahit minsan mas masarap pa ang pagkain mo kesa pagkain ko, kahit na pinapahiran mo ng muta ang pantalon ko bago ako lumabas ng bahay, kahit na nilalawayan mo ang mukha ko kahit bagong ligo ako, mahal pa rin kita. salamat sa gabi-gabing paghihintay mo sa akin na makauwi. salamat pag-upo mo sa paa ko kahit gaano ka pa kabigat pag pinipigilan mo kong umalis. salamat sa pagiging photogenic. aylabyu.



MGA INSTITUSYON

Starbucks Petron Marilao: sa mga barista at kay kuya guard, salamat. dito ko nabuo ang script ng pelikulang ito. maraming salamat sa mamahaling kape. kuya guard, salamat sa walang sawang pagpapahiram ng lighter. salamat sa sangkatutak na tissue na naubos ko dahil pag-iyak at sa malimit na pagtapon ng tubig ko.

Econ Back Parking: ang dakilang saksi sa January 29 fiasco. malupit.



sa lahat, maraming maraming salamat. sa mga nakalimutan ko, sorry. salamat pa rin. sa mga umaaway sa 'kin, ang pathetic nyo. pakyudobol. get a life.
Tags:
 
 
la yamsuan
05 April 2007 @ 11:28 pm
may apat na subjects pa kong walang grades: pi100, comm191, bc100, comres125. tsk tsk..sinabi na ngang apr4 ang deadline ng submission of grades ng graduating eh. apr5 na, 4 pa rin ang kulang ko. pati yung isang incomplete ko last sem na nacomplete ko na at ung vc137 na hanggang ngayon eh hindi pa inaupload sa crs ang grades namin. umayos nga kayo. lintek.

jul, salamat sa recent post mo na napaka-grade conscious ng dating. dahil don, naisipan ko biglang maging grade conscious kaya napa-compute ako ng di oras. at nashock ako sa gwa ko. as in yung tipo ng shock na nanlalaki yung mata ko tapos nakasmile ako na hindi gumagalaw ang buong katawan ko at nakatitig lang ako sa calculator. pero since 4 pa ang kulang kong grades, kapit lang muna.


anyway..sa apat na taon ko sa up, ngayong week lang na 'to ko naramdaman ang sobrang kapaguran at kasamaan ng loob dahil sa mga current kaganapan sa buhay ko. marami akong natuklasan na mga fuckin' god forsaken places, nakitang fuckin' god forsaken people, at ginawang god knows what kind of things para lang sa thesis. at para makagraduate.

makailang beses akong bumalik sa sc para magedit, magpaprint, magreedit, magreprint ng written thesis ko. pagkatapos ng napakasaya at tambling moment ng pelikula ko sa defense, akala mo tapos na ang thesis? asa! may written part pa ito. at kasing haba at hirap din sya ng kahit anong written thesis. doble hirap sa 'kin dahil pinatagalog pa ng adviser ko. san ka pa.

ang sc ay isang lugar kung saan naghahari ang monopolyo at kapitalismo. may malupit na oxygen depletion dito kaya pagpasok mo pa lang, ramdam mong hindi ka na makahinga at ang kaputa-putang kaiinitan. sa lugar na ito, kahit gaano kamahal ang printing, pc rental, o book binding, kakagatin ng kahit sino lalo na ng isang tulad ko na nagmamadali at naghahabol ng deadline para sa thesis. habang nakikita ng mga manong at manangs, ates at kuyas sa sc ang kahagaran mo--ung tipong pwede nang magdeep fry ng french fries sa mukha mo dahil sa dami ng mantika, nakapambahay mode ka na lang at halatang kakagaling mo lang mula sa pagtatype ng thesis mo, nakatali ang buhok nang uber taas para less init--lalo ka nilang tatagain. para sa kanila, nangingibabaw ka sa sea of sc people dahil ikaw ang pinakapanget, pinakahagard, pinakapuyat, pinakatense, at pinakadesperadong graduating student na nakita nila. para bang may nagsusumigaw na nakasabit na plakard sa leeg mo at nagsasabing: KAILANGAN-KONG-IPABOOKBIND/IEDIT/IPRINT-ANG-THESIS-KO-NOW-NA-AND-I-DON'T-GIVE-A-DAMN-HOW-MUCH.


SEQ 1. INT. SC. APRIL 2. UMAGA
6pm na nang maapprove for binding ang thesis ko. pordat, kailangan ko talaga ng rush binding. bukod jan, may ilang revisions pa na kailangan gawin, although minor lang naman. earlier that day, nagpaprint ako ng isang copy na ipapakita sa adviser ko. after lunch, bumalik ulit ako sa sc para kunin ang screen caps na galing sa editor ko. sa lahat ng moments na to, kapiling ko ang aking pinakamamahal kong usb. saksak dito, saksak doon. ang putanginang sc, walang konsepto ng microsoft word. kahit saang stall ka pumasok, lahat sila naka-open office. ano bang meron sa open office na love na love ng sc? dahil sa open office na yan, nagbago ang mga page numbers, indentions, margins, etc ng tapos ko nang thesis. at dahil jan, kailangan kong gumamit ng pc para iadjust sila ulit instead of print na lang.

SEQ 2. PHILCOA. GABI
fast forward to 6pm. approved na with very minimal revisions. kailangan ko naman magpaprint ng 4 na kopya. ayoko na bumalik sa sc dahil wala silang microsoft word. next stop: alva baba, philcoa. merong word sa alva at meron ding open office. dahil maraming tao, walang available na pc na may word. so pinalipat kami ni megy sa taas. sa taas naman ay primitibo ang way of life dahil walang usb port! namputs. akalain mong naka-windows 95 lang ang pc nila don. gusto ko silang pasabugin. next stop: netopia. wala ng choice. kahit 30 ang use ng pc, go na. pagsaksak ko ng usb, sinabi ko kay kuya na nakasave as sa open office ung file ko. sabi ni kuya, mabubuksan ko daw pero hindi ko pwedeng iedit. sabi ko: "muka mo!" joke lang. sa isip ko lang yon. so lumipat ako sa alva at tinry iopen sa open fuckin' office ang file ko. akalain mong ayaw nya magopen! kung anu-anong characters ang lumalabas. i therefore conclude na ayaw magopen ng file ko. so lumayas ako at bumalik sa netopia. buti na lang ung isang table lang ang kailangan ko iadjust. kaya tinype ko na lang sya ulit. still, tinype ko sya ulit instead of print na lang!! bwiset. after magtype, punta kami sa alva baba for printing. 10:30 na noon. walang lunch-lunch na nalalaman ang mga sikmura namin. 9am pa ang huling kain ko. sa mga moment na ito, i'm just breathing on water and nicotine. kinekeber ko ang pagpapalpitate ng buong katawan ko. tinatawa na lang namin ni megy ang kapagurang nararamdaman. para kaming mga baliw sa alva dahil pinaguusapan namin na nanginginig kami. kada tawa ko, feeling ko magpa-pop out ang eye balls ko. siguro dahil dito, nainis sa min ang mga ates at kuyas sa alva. nang magtanong ako kung gano katagal ang rush book binding, sabi nila: "two weeks." sabi ko: "two weeks?! rush na ba yun?" sabay tawa. natapos ang printing at photocopy. si kuya na nagphotocopy ng thesis ko, may hangover pa sa comment ko na: "two weeks?! rush na ba yun?" dahil lukot-lukot ang mga papel at masama ang tingin sa kin. ako naman tong si mainitin ang ulo, sumide comment ng: "ako may thesis. ikaw meron?" sabay alis.


SEQ 2.1. INT. CHOWKING PHILCOA. GABI
11 na nang makakain kami ni megy sa chowking. gusto kong kumain like never before, like bukas bawal nang kumain. eto na naman kami sa tawanan about kapaguran dahil mga muka na kaming basura dahil sa stress--nanlalagkit, nanginginig, mga patay gutom. sa sobrang kapaguran ko, hindi mashoot-shoot sa bibig ko ang straw. never. sa ilang beses kong paginom. so tawa na naman kami. pati sa chowking, nagkakalat kami ng lagim.


SEQ 3. INT. SC-STALL # 36. APRIL 3. UMAGA
dumating ako sa school ng 11am dahil kailangan ko naman sana magpahinga. pagdating ko sa sc, megahanap ako ng rush book binding. nabalitaan ko na halos hindi na daw tumatanggap sa sc ng book binding jobs dahil sobrang daming nagpaparush. keber ko. sc muna. baka sakali. ang stall # 36 ang sumagot sa mga pangangailangan ko. thank god. pero mula sa regular binding price na 130, siningil nila ko ng 180 each para sa 5 copies na ipapabook bind ko na makukuha daw ng 4pm. keber sa bwakanangshet na 50 pesos na tubo. kailangan ko magpabook bind. now na. kahit magkano pa yan.

SEQ. 4. INT.-EXT. CMC-SC-SM NORTH. TANGHALI
pagkakuha ko ng claim receipt, punta kong mascom para tumambay sandali. walang tao. ang saya. maya-maya ay naalala ko na wala pa kong production stills!! putres. so bumalik ako ng sc. pagdating ko sa florofoto, sabi nila ayaw na nila magprint dahil madami na daw nakapila. sabi ko: "muka nyo." joke lang ulit. pero i almost said it. so punta kong philcoa. pagdating ko sa kodak sa taas, sira daw ang pc nila. shet. ang saya. so dumirecho na ko sa sm. pagod na pagod na ko nang kakatakbo here and there. buti na lang anjan si waz para paginhawain ang buhay ko. pagdating ko sa sm, 1 hour ang developing. after an hour, oks na. lipad na ko pabalik sa up. dahil 4pm pa daw dadating ang editor ko sa skul para ibigay ang 2 minidv copies at 4 dvd copies ng pelikula ko, ayos lang na tumengga muna ko. naisip kong kumain. pero ayoko mag-isa. so nagdrive thru ako sa mcdo mindanao. habang pabalik sa up, kumakain ako.

SEQ. 5. EXT. XTAGE 1NE CARWASH. HAPON
naisip kong magpacarwash dahil kawawa naman si waz. at isa pa, naaapektuhan na rin ako ng mga kalat sa kotse. at isa pa ulit, gusto ko naman kumain nang matiwasay. lipad ako sa carwash sa sikatuna village. habang kumakain, biglang nagtxt si leo my fabulous editor kung pwede daw ba na sa mcdo quezon ave. na lang daw kami magmeet.

SEQ 6. INT. MCDO QUEZON AVE. HAPON
shempre wag naman daw ako magmaganda bilang galing pa sa muntinlupa yung tao. so after carwash, lipad ako another to mcdo quezon ave. pagkapark, daan ako sa 7-11 para bumili ng energy drink dahil feeling ko tutumba na ko any moment. habang nakaupo ako sa mcdo, muka akong tuliro na nakatitig sa kawalan at nilalaklak ang bachus energy drink. sabay dating ni leo na ikinagulat ko. indeed, mukha nga daw akong tuliro. natapos ang transaction namin. lipad ako pabalik ng up. almost 5 na. direcho na ko sa up para kunin ang pinabook bind ko.


SEQ 7. INT. SC-STALL # 36. HAPON
manong: mam, hindi nyo ho sinabi kung anong isusulat sa spine. hindi ko nakalagay sa order form nyo.
LA: ha? sinabi ko ho. sa kanya. *turo sa isang babae*
manong: sulat nyo na lang ho ulit. para matatakan na yung spine. sandali lang ho iyon.

so sinulat ko naman. 6pm na, wala pa ang pinabook bind ko.

LA: uhm kuya, wala pa po?
manong: sandali na lang ho mam. patapos na po.
LA: okay.

6:45 na...

LA: kuya antagal naman.
manong: sandaling-sandali na lang ho. patapos na ho mam.
LA: okay.

sa loob-loob ko, nagagalit na ko. iniimagine ko nilalatigo ko ang mga nagbubook bind para bumilis sila magtrabaho. maya-maya dumating si jul. buti na lang. kung hindi, sisindihan ko na sana ang isang pile ng pinophotocopy na kanina pa nagiinit sa paningin ko dahil sa galit. for a while, nadivert ang attention ko. tapos naiinis na naman ako. maya-maya ay dumating sina kc, apol, at krisi. nadivert ulit ang attention ko. pero masyado na kong matagal na naghihintay at hindi na kaya ng bratty, bitcy, evil, at may adhd kong konsensya. lumapit ako kay kuya. hinawakan ako ni jul. tiningnan ko sya ng masama kaya binitawan nya ko.

LA: kuya ano na? ano ba naman. akala ko ba alas kwatro?
manong: eh mam hindi nyo ho kasi sinabi yung isusulat sa spine.
LA: sinabi ko nga eh. sa kanya o! *ala-emily rose na tingin sa babae* bakit, gano ba katagal gawin yang spine na yan ha?
manong: malapit na ho mam. upo muna ho kayo. *nakakainis na ngiti*
LA: eh kanina mo pa sinasabi yang malapit na ho, patapos na ho na yan eh. ang mahal mahal nyo sumingil tapos hindi nyo naman ibibigay on time! may hinahabol ho akong oras kaya nga ako nagparush eh!
manong: *sumigaw paitaas* hoy bilisan nyo! nagagalit na yung customer o!

umupo ako ulit. pinromise ko sa sarili ko na susunugin ko na ang stall # 36 kapag in 30 mins, hindi pa nila binigay ang pinapabook bind ko. buti na lang in like 20 mins, binaba na nila ang thesis ko. kung hinde, baka nabura na ang sc sa mapa ng up.


SEQ 8. EXT. LABAS NG SC. GABI
so lipad ako papuntang mascom. galit na galit ako. nagpipigil ako ng galit dahil ayoko naman magsusumigaw sa sc. by the way, hindi pasigaw yung ginawa ko ha. malumanay ako non. pero galit. so anyway, nanggigigil ang paa ko sa gas. parang drag race. pakaliwa na ko nang biglang may hinayupak na pasalubong sa kin. sabi nya pagtapat nya sa kin: "walang menor-menor ah..." ulul. kung marunong ka magdrive, pwede bang hindi ka magmenor kung liliko ka? dahil jan, nasigawan ko tuloy sya: "pakielam mo? leche!" kawawa naman sya. sa kanya ko naibuhos ang pinigil kong galit. malas nya.


murphy's law ba? siguro. mukhang. nagcram ba ko? hinde. masama ba kong tao? you can say that. minsan the situation calls for it. minsan the person deserves it.

paguwi ko sa bahay, naisip kong buksan ang usb ko at tingnan kung magoopen ang files ko. ayaw niya. i therefore conlcude na wala na akong soft copy ng lahat ng thesis files ko simula 199 pa lang. putangina ng shopping center. kasumpa-sumpang lugar.

mabuti na lang gagraduate na ko.
pakyu dobol.
 
 
la yamsuan
31 March 2007 @ 08:48 pm
march 31 ngayon. last kong post dito ay...come to think of it, hindi ko na maalala. ang bilis lang lumipas ng buong march.

* two weeks ago, pabalik-balik ako sa muntinlupa at malolos para sa post prod ng thesis ko. edit-score-edit-edit-edit-score-edit-edit-score. walang katapusang paglilinis ng editing at paglalapat ng tunog. at hindi ito joke dahil bulacan-muntinlupa-bulacan ang drama ko. twice a day ako dumadaan sa nlex at slex. so bale apat na beses yon in a day. para kong nagro-road trip araw araw. gastos sa gas, gastos sa toll fee. napakinggan ko na ata nang buo lahat ng kanta sa ipod ko. pagdating ko sa muntinlupa, gusto ko matulog na lang. pero hindi pwede dahil kelangan namin mag-edit. bago pa man mabuo ang pelikula ko, dumating na ko sa point na sawang-sawa na ko mapanood yon. dadaan ka pa sa edsa na saksakan ng traffic. pag dumadating ako sa bahay, nanginginig lagi ang kaliwang paa ko dahil pag nasa edsa ka nang bandang 7-8 pm, either primera or segunda ang ang gear. pati kaliwang braso ko sumasakit dahil singit ako ng singit para lang makauwi na ko.

*march 20, tuesday: nakuha ang final cut ko. papuntang school, binaba ko si mudraks sa camachile. guess what, pinara ako ng mmda. bakit? dahil bawal daw magbaba ng pasahero sa pinagbabaan ko kay ermats. sa kauna-unahang pagkakataon sa driving life ko, ngayon lang ako pinara ng mmda.

LA: bakit ho? *dinededma ang kaba*
manong blue: mam...eh bawal ho magbaba don.
LA: eh wala namang nakalagay na no loading/unloading ah?
mb: eh meron hong dibisyon ung daan don. dapat pumasok ho kayo don kung magbababa kayo.
LA: eh ang layo layo non sa island eh! nakita mo ba kung sino yung binaba ko? eh nanay ko un. mahiya ka naman sa nanay ko. eh pipilay-pilay na nga ibababa ko pa sa malayo?
mb: eh mam... *kamot ng ulo*
LA: o ano?
mb: o sige na nga ho...
*sara ng bintana*

pagkasara ko ng bintana ay napamura ako sa kaba. tsk tsk..buti na lang nasa katinuan ako non at nakasagot ako ng tama...or should i say, witty.


*march 21, wednesday: vday with vc. namomroblema pa rin ako kung kelan ang vc elections. amidst all the kahagardan sa thesis at iba pang acads, problema ko pa rin ang org. at, meron akong consultation sa alamat kong thesis adviser na si mommy gigi ng 11pm. oo, PM. gabi. sa bahay nya. natapos ang vday ng 5. dinner kami til 7. tambay sa tarbak miriam ng 7ish-10ish. sa wakas dumating din ang 11pm. at inaantok na ko. pagdating naming mga advicees sa bahay ni mam, madilim. hindi naman madilim na tipong walang ilaw. pero madilim ang ilaw. dim. yung tipo ng ilaw na nakakahypnotize tapos maya-maya tulog ka na. at thesis consultation ito. walang lokohan. so sige lang...play ng mga pelikula namin. kuda kuda sya. sagot naman kami. rehearse ng mga pwedeng itanong sa defense. eto kaming lahat ninanamnam ang kaba.

*march 23, friday: submission ng 12 one-page documents, 12 defense forms with adviser's signature, at defense cut para sa defense on monday. lahat ng graduating film majors, nagkakagulo sa lobby. kanya-kanyang hanap sa adviser, kay ate forch, at kay kuya cv. last minute consulatation at bonding with mam gigi.

mam gigi: mga anak, wag kayong kakabahan ha. *hitit ng philip morris, buga* kapag pinangunahan kayo ng kaba, masisira kayo. tiwala lang sa trabaho nyo mga anak. *hitit ng yosi ulit* --words of wisdom at second hand smoke mula kay gigi alfonso


*march 24, saturday: so far, steady lang naman ako. wala pang kaba. or i think, nawala lang dahil relax na ko. mga after lunch, punta kong sm marilao dahil inutusan ako ni muds. on my way home, guess what...binangga ako ng trak. first time ever ko rin mabangga. at mag-isa ako nito. bakla, nanginginig ako sa kaba. as in literal! hindi ko madial-dial ang number ng kuya ko dahil nanginginig ang buong pagkatao ko. ganto ang drama namin: makitid at curve ang daan. malaki sya. maliit lang ako. so nagstop na ko at pinauna sya. ang tarantadong trak, pacurve nga ang daan. so dapat kakabig sya pakanan pag mejo malapit na sya sa kin. eh hindi kumabig at dinere-derecho lang nya! pordat binangga nya ko sa side. at dinerecho nya pa kaya nabasag ang ilaw ko.

LA: *baba ng kotse, kinekeber ang panginginig* putangina. *may manong na bumaba* ikaw ba driver?
manong: hindi ho.
LA: asan yung driver?!? *baba si driver* kuya! ano ka ba naman?!? kita mo yung kanan mo o! ang luwag luwag! sukat banggain mo ko dito eh nakahinto na nga lang ako!!
driver: pasensya na ho mam. hindi ko rin ko natancha eh. *kamot ng ulo*
LA: hindi mo natancha!?! anaknampota. eh hindi ka pa himinto agad! kinaladkad mo pa ko eh! may lisensya ka ba?!
driver: meron. meron ho.
LA: loko ka wag mo ko tatakbuhan! pulis ang tatay ko. ipapapulis kita sige takbuhan mo ko.
driver: hindi hindi ho.


after maghiwalay ng magkadikit naming sasakyan, kumalma na ko ng konte. tinawagan ko si kuya para puntahan nya ko. pinatawagan ko rin sa mga manong yung may-ari/amo nila dahil pare-pareho silang hindi alam ang gagawin. after 10 years, nagkasundo naman kami. bilang umamin naman ung driver na mali nya, sasagutin ng amo nya lahat ng damages. pag naiisip ko ngayon ang banggaang yon, natatawa ko dahil oo nga, sigaw ako ng sigaw. sinisigawan ko pala yung driver. hindi ko narealize yun until sinabi nung isang manong. namutla daw kasi yung driver dahil sinisigawan ko at sinabi kong pulis ang tatay ko. pero hindi naman talaga sya pulis. hahah. panakot lang yun. sa tingin ko, kaya ako sigaw ng sigaw eh dahil sa kaba--dahil magisa lang ako, at takot--dahil sa tatay ko.

*march 25, sunday: one day before judgment day. pumunta ko sa tambayan ko pag gusto ko lang manahimik. ninanamnam ang thesis. kape + sunog baga. mejo inaaral na rin kung anong isasagot sa panel. nirerehearse ang reaction kapag binalaj ako ng panel. sina-psych ang sarili para handa na ko sa defense day. iniisip kung anong isusuot. dapat dressed to kill.

*march 26, monday: defense day. 9am ang start ng defense. 6th ako. ang kasunduan ng cineastes, lahat dadating ng 9. coding ako. ayokong umalis ng sobrang aga. hindi rin naman pwedeng umalis ako ng 10am. so umalis ako ng 7 sa bulacan. bahala na kung mahuli o hinde. dressed to kill naman ako kaya baka malusutan ko naman ang mmda. bago pa lang umakyat ng balintawak, naglipana na ang mmda. nagsusumiksik ako sa outermost lane at nagtatago behind the other cars and trucks para di ako makita. pag-akat ng balintawak, andon naman sila malapit sa market. mega lusto until makapunta sa innermost lane. keber sa mga u turn slots sa edsa. kesa naman nasa outermost ako at makita ko ng mmda. natatawa ako pag nakakakita ako ng iba pang coding na nagmamadali rin. at lusot din sila ng lusot. tsk tsk..Filipino drivers talaga. bilang monday yon, saksakan ng traffic sa edsa. naisip ko agad na baka sa kanto ng north ave, may mmda din. so sa likod ng sm ako dumaan tapos lusot na sa mindanao. meron din sa mindanao. nagtago na lang din ako. nakarating naman ako sa qc circle ng maluwalhati. kaya lang malamang na may mmda din sa philcoa. so nag-up vill na lang ako. ligtas! dumating ako sa school ng 8:30. walang huli, ready for defense.

mula sa 6th, namove ako to 3rd from the last. for the first time in years, naramdaman ko na naman ang pinakaayokong level ng kaba dahil nagmamanifest na ang kaba na ito sa physical. masakit sa puso, literal. yung tipong nangangatal na talaga ko at nanginginig ang tuhod, not to mention the fact na ang lamig lamig pa sa film center kaya mas grabe ang epekto.

natapos ang defense. iba talaga ang gawang cineastes. iba kapag cineastes. cineastes rocked the up film center. hell yeah we did! ang sarap ng defense. sobrang mixed emotions. kaba, takot, tuwa. ang importante, we're proud of our works. ang thesis na to ang iiwan naming tatak sa mascom. habambuhay na 'tong karugtong ng mga pangalan namin.

UP CINEASTES' STUDIO
trixie ballesteros
- stopyou.
kacey pamintuan - burnayan
jhul gutierrez - manikarya
aisha deocares - basag na tubig
meggy motril - kolor
apol dating - kendiman
kriz gazmen - maria maria
arvin dela rosa - saan nagtago ang gamu-gamo?
krisi culdora - pav35
krise ngitngit & wena sanchez - cadenza
la yamsuan - tutos



let's go graduate, guys!! tirahin na 'yan!! rakenrol!!
Tags:
 
 
Current Mood: bouncy
 
 
la yamsuan
01 March 2007 @ 10:49 pm
shet eto na yon. pumapalag na ko. nararamdaman ko na na bibigay na ko gaya ng nangyari six months ago. waaaaah. woooh! ang labo ko talaga. aackk! gawd. forgive me. i don't think i'll ever learn.
 
 
Current Mood: sleepy
 
 
la yamsuan
25 February 2007 @ 11:30 pm
as if to aggravate "my situation", umulan na lang bigla habang papunta ko sa starbucks marilao. great. pano akong magyoyosi sa labas kung umuulan? kebs. sa totoo lang, nakadagdag sa drama ang ulan. parang pelikula. mas malakas ang ulan, mas madrama.

gaya ng mga nakaraang araw, ang radyo na naman ang kaibigan ko. kaya naglaro na lang kami ulit.

ano na?

*pre-set station 1*
"if you leave me now, you take away the biggest part of me. ooohh no baby please don't go." (if you leave me now, chicago)

ulul.


tama ba ang ginawa ko?

*pre-set station 2*
"even though i love someone else i know my heart belongs to you." (should've never, j.lo)

wahahahahahahhaaahh!! charoterang radyo ka.


babalikan ba kita?

*pre-set station 3*
"...start over again. but this time, this time let's keep the fire burning." (much has been said, bamboo)


tama na ang tatlo. kalokohan lang ang lahat. ang radyo ay hindi mabuting kaibigan. kung gusto mong lalong guluhin ang utak mo at hindi mo na alam kung anong gagawin mo sa buhay mo, sige pakinggan mo ang radyo at magpakabaliw ka na lang.


gaya ng ginagawa ko. rarrr.
 
 
Current Mood: blank
Current Music: since you've been around, rosie thomas
 
 
la yamsuan
25 February 2007 @ 04:25 pm
tingnan mo nga naman.

tapos na ang thesis at calinao pero ganto pa rin ako. restless, distracted, sunog ang baga. sabi ko last week, matapos lang ang linggong ito, magpapa-spa ako at matutulog buong araw. true enough, natulog lang ako buong araw. walang spa. tuwing magigising ako, naiisip ko na baka nga baliw na ko. tuwing makakatulog ako, nananaginip ako ng kabaliwan. mga bagay na malayong mangyari sa totoong buhay. parang pelikula. masarap panoorin, pero alam mo namang hindi totoo. napaka-ironic dahil film major ako. shet.


* praning - tagalog slang for someone who consciously does something wrong even
though he knows what is right.
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/salitang_kalye.htm#P



bwahahaha. itatawa ko na lang 'to. katawa-tawa naman talaga. correction lang, i unconsciously do something wrong because i'm not sure if i really do know what is right. pero in short, praning pa rin. parang derivation lang from the original meaning. pero kung susumahin, ganon pa rin eh. pinaikot ko lang.

pag minsan, bigyan natin ng deadline ang sarili. sige, march 3. ikaw praning na negrang baliw ka, pag di ka pa umayos by then, gawan mo yan ng paraan.
 
 
Current Mood: restless
Current Music: deep inside of you. third eye blind
 
 
la yamsuan
25 February 2007 @ 04:23 pm
february 23 and 24. success ang calinao cup! maraming salamat sa lahat ng tumulong. mems, alumni, apps, friends of vc, players, coaches, coach barber, usc, chk, ovcsa, etc. may nakalimutan ba ko? sorry. salamat sa lahat.

kahit gano pa ka-successful ang calinao, naging tanga lang talaga ko for a day. at kumapit ka dahil hindi lang isang beses.


seq 1. ext. sunken garden. hapon
habang busy ang lahat sa games, nakaupo ako mag-isa sa tent at nagiisip (as usual) ng kung ano-anong bagay na hindi naman dapat pinagtutuunan ng malaking pansin. nagtext si coach barber na kunin ang trophies and medals sa kanya sa gym. so kumilos ako at hinanap ang susi ni waz. hanap doon, hanap dyan. angat ng mga bags...halukay ng mga bags, buklat ng garbage bag... gudlak. wala ang id lace kong polkadots na pink kung saan nakasabit ang susi ni waz. hanggang sa naransak na ang tent, wala pa rin.

i therefore conclude na nawawala ang susi ko. pero hindi ko alam kung saan ko nilagay or naiwan. wala akong kongkretong alaala kung saan ko huling nilapag ang susi. mula sa sunken garden ay sumugod ako sa katapat na building (BA) para tingnan kung nandon pa si waz. andon pa naman. pero nasaan ang susi ko? putrages. tumawag ako sa mga kuya at nanay ko. mga wala sa bahay. ano ko, uuwi tapos babalik? sus hasel! so pumunta ko sa talyer malapit sa FA para magtawag bukas kotse rescue team. hindi bukas kotse gang dahil ayon sa kanila, hindi naman daw yon ang trabaho nila. mekaniko sila at gumagawa sila ng mga sasakyan kaya natural na alam nilang magbukas ng nakalock na pinto ng kotse. sa kabutihang palad, nasungkit nila ang lock ni waz. sa kasamaang palad, nagbayad ako ng 200 na katumbas na ng gas ko mula bahay hanggang school.


seq 2. int. waz. hapon
nanggaling kami ni clarc sa yakal para kunin ang monoblock table na pagpapatungan ng mga trophies for awarding. nagfreshen up ako para hindi naman ako amoy araw at mukang ulikba kapag sinabitan ko ng medal ang mga players. nauna si clarc na bumaba ng sunken. naiwan ako kay waz dahil magwi-withdraw ako sa vinzons. maya-maya pa ay kinapa ko ang aking bewang at wala si selya, aking selepono. anaknamputa nasan ang phone ko?? nagwithdraw ako sa vinzons, di alintana ang nawawalang celphone. pero nagkakaroon na ko ng sense of urgency. dali-dali akong bumaba sa sunken. championship game ng letran at feu. nasa ilalim ng tent ang lahat. pagtingin ko sa baba, nasilayan ko si selya. napahinga ako nang malalim.


seq 3. ext. sunken grandstand. gabi
lumapit ako kay ringo para humingi ng yoka. dala ko si selya at shades sa kanang kamay, at ang polkadots kong yosi kit sa kaliwa. bumalik ako sa sunken para magmuni-muni. maya-maya ay tinatawag ako ni bj dahil nagriring daw ang cel ko. ha??? apparently, napabayaan ko na naman si selya sa isang tabi. great job.


anong nagaganap? hindi ko alam. puyat lang siguro ito. kaya matutulog na ko.
gudnayt werld.
 
 
Current Mood: pensive
 
 
la yamsuan
25 February 2007 @ 04:21 pm
umaga na. 7am call time for calinao tomorrow. at anong ginagawa ko? bumablog. baliw na nga siguro ako. baka baliw ako sa past life ko. or baka baliw ako kapag nareincarnate ako. tingnan mo nga naman. baliw sa past, present, at future. baliw na talaga ko. baliw. baliw. baliw. it's such a cliche na sinasabi ko ang "baliw" kahit na ayokong marinig ang salitang yan dahil yan ang title ng latest film ni daddy jt. tangina. pero ang sarap sabihin. baliw. all together now! baliw! one more time! baliw!!!


deciding game. tama ba ang ginawa ko?

"...and i'll never gonna let you go. i'm gonna hold you in my arms forever. gonna try to make up for all the times i hurt you so."

ang saya mo lang sergio mendes. punyeta ka. baliw ka rin siguro. pinapatawa mo ko. pinapatawa ako ng ultraelectromagnetic waves in the ionosphere (ayon kay avecilla, airwaves in atenean language.)

baka naman hindi ako baliw. may nakapagsabi sa 'kin na napaka-cynic ko daw. pwede rin. pero mas naniniwala ako sa baliw kesa cynic. pwede namang pareho. pero more pa rin ang baliw. isa akong descendant ni sisa. ako ang sisa ng modernong panahon. ako ang dakilang sugo ng sangkabaliwan. ako ang tagahasik ng kabaliwan sa sangkatauhan. ako. ako 'yon. ako lang.


putangina. inaantok na ko.
 
 
Current Mood: confused
Current Music: i'm here. vertical horizon
 
 
la yamsuan
22 February 2007 @ 10:51 pm
gaya ng ibang araw, mag-isa na naman akong umuwi kanina. mag-isa ka na nga, wala pang ipod dahil wala ng baterya. ang bigat bigat ng trunk ko dahil sa limang c-stands at may sakay akong water dispenser sa back passenger seat. front passenger seat lang ang walang laman. naisip ko bigla, kung may isang tao na gugustuhin kong umupo dito at sabayan ako hanggang sa paghinto ko sa tapat ng gate namin, siya na 'yon.

at gaya ng mga nakaraang araw na nagmamaneho ako mag-isa, naisip na naman kita.

kaya ulit, naglaro na lang ako ng deciding game. ano yon? yon ang nilalaro ng mga disillusioned na mga tao na nasa verge na of being insane kakaisip ng sagot sa isang tanong na kailanman ay hindi naman masasagot ng kahit sino o anong eksperto kundi ng sarili lamang. sarili lang.

hihintayin ba kita?

"...i don't wanna let you go so i'm standing in your way i never needed anyone like i'm needing you today." (do i have to say the words, bryan adams)


nampota. nakakahibang maglaro ng ganto.


hihintayin ba kita?

"...follow me and everything is alright. i'll be the one to tuck you late at night and if you want me i can guarantee you won't find nobody else like me." (follow me, uncle kracker)


kung ganito lang ang paraan para makaarrive sa isang desisyon, malamang na dalawang klaseng tao lang ang meron sa mundo: BALIW at MAS BALIW. at malamang na ikinamatay ko na ang kabaliwan.

kahit pano, napasaya mo ko dahil naaalala mo ang isang pagkakataon sa buhay natin na para sa'yo eh malamang na wala lang pero para sa 'kin eh ang pinakamahabang trenta minutos ng buhay ko. kahit na mali ang impormasyong naalala mo, at least natatandaan mo rin pala yon kahit paano. by the way, sa caltex kita binaba noon. hindi shell.

hihintayin ba kita?

gusto ko pero baka isang himala lang ang hinihintay ko. naniniwala naman ako sa himala. ako pa, eh numero unong baliw ako. malay naman natin. mabaliw man ako o hinde, malamang na aasahan ko pa rin naman ang himalang ito. may himala man o wala, mababaliw pa rin ako. quits lang. win-win situation.


hihintayin ba kita?

dalawang bagay lang yan. either himala o kabaliwan. dahil baliw na ko, wala nang mawawala sa 'kin kung maghintay man ako ng himala. habang wala pa ang himala, magpapakabaliw na lang muna siguro ako.


o kaya maglalaro ng deciding game.
marami pa namang kanta sa mundo.
Tags:
 
 
Current Mood: sleepy